Anonymous asked: pag sobrang sweet ba ok ba yun?
What do you mean by sobrang sweet? Baka naman nagmumukha ka nang nanay / tatay sa sobrang pagkasweet mo ‘pag gano’n. Magiging awkward lang LOL. Siguro ‘yong tamang lambing lang sa partner mo. ;))
May 22, ‘10 - It’s our day! (Her Version)
Color coding of the day: Yellow
It was a week before namin napagplanuhan yun, and that was after my North Tour. Since purgang purga na kami sa mga malls eh naisipan naman naming mag park na lang. So ayun unang plano: sa manila ocean park. Halos final na yung desti namin na yun, until one time tinanong ko kay kuya raph kung pano makakapunta dun. Tinanong nya ako kung dun daw ba yung next date namin. Um-oo ako and sabi nya eh since sa manila naman kami pupunta, mag star city na lang daw kami. I was thinking pa, kase di ko sure kung mag eenjoy ba kami dun or nde. Inassure naman nya kami na ok naman daw dun. So ayun dun na nga kami. Napagplanuhan din namin na dapat magbaon na lang ng food that day.
May 22 - Nagkita kami sa lrt vito cruz station. And ayun, 11am that time at nagtungo na kami agad sa star city. Grabe yung nilakad namin. >_> ang init pa naman non. And ayun pagkadating namin dun eh sabi nung guard na since it was a weekend so 1pm pa sila magbubukas.
And so we went to ministop kase sabi ni kliff na gusto daw nya ng ice cream. And so we arrived there, pagod mula sa paglalakad sa initan. Bumili kami ng selecta icecream na very rocky road (ako pumili nung flavor) and buti may dala kaming steel spoons, so di problema ang pagkain ng icecream na nagyeyelo pa. :D Ilang sandali lang ang lumipas ay halos mauubos na namin ang icecream. Pero sa totoo nun e sa kalahati pa lang, napurga na kami agad kase sobrang chocolatey ng flavor na nabili namin, i.e. very rocky road. Ayun tumambay muna kami dun, and usap usap. ‘til sinabi nya na ‘uy cha, namiss kita’. That time :”) lang ako and di nakapagrespond. A minute of silence followed. I was then staring at the window, and sya yata e kumakain ng icecream (ugh, kaumaaay). then, naramdaman ko na lang na hinawakan nya yung braso ko and tinitigan ako. Til sabi nya,
K: chaaa. Ok lang ba kung maging tayo na?
C: uhh. *nods na lang kase speechless*
K: O_O so, tayo na?
C: *nods* Then hinila nya ko palapit sa kanya.
K: Mahal na mahal kita cha, *while staring at me oh gawd*
C: *i smiled* mahal din kita.
K: yesss! May karapatan na kong tawagin kang gf ko!
And that’s how we began. :D
Going on, at 12nn pumunta kami sa kfc. Di muna kami kumain, ginawa pa muna naming park yong harap ng kfc, with all them beggars around us. Dun eh napag usapan namin yung mga pagtatago ng feelings na ginawa namin.
Ayun, at around 12:30 kumain na kami dun sa loob ng kfc. Hanggang sa 1pm eh nagtungo na kami sa starcity. Ayun, bukas na sila and dali dali kaming pumasok sa loob. At infairness, umayos naman sya compared nung oct 2004 (last visit ko don). Then una naming triny eh yong parang blizzard ekek basta badtrip yon, tumama paa ko sa bakal sa baba. Ansaket tuloy. Kaasar. After nun nagbumpcar naman, sya yung nag drive, and ako e taga pics lang. Natunton namin yung viking, at dun e parang wala lang kaming reaction kase it’s nothing compared to EK’s anchors away.
Ayun sabi ko ulit pa kami dun. Ayun sa totoo lang ayaw nya don kase medyo nahilo nga sya nung una. Tapos yun, nung pangalawang try na namin eh dun na sya tuluyang nahilo. So umupo muna kami sa bench at pinalipas ang hilo niya. Dun ko pa nga sinabi sa kanya na sakin na lang sya tumingin para di na sya mahilo. :>
ayon nung sinabi na nyang medyo ok naman na daw sya eh lumabas na kami to get some freshly polluted air. Dun eh pumila na kami para dun sa ferris wheel kuno. At ayun napagpasyahan naman naming ndi tumuloy na sumakay dun sa star flyer dahil natatakot ako sakyan yun. >_>
after that, triny na naming mag snow world. At ayun, as expected malamig nga don and the artificial snow is falling down nung ayun ayoko ding magslide don kase ang galing nung suot ko. Naka ‘tokong’ pants lang ako. At dahil din dun eh kaya ako sobrang nilamig. Dahil nilalamig ako at BITIN yung huling hug, inakap nya ko (sa gitna ng daan). He was like >:D< and I was like baby ba- uhh, I mean >:D, kase yung isa kong kamay eh nakatakip sa bibig ko, kasi nahihirapan akong huminga pag sobrang daming malamig na hangin pumapasok sa lalamunan ko. Ayun lumabas na din kami at naisipang kumain na.
Kumain kami dun sa may ‘food court’. Inorder namin ung siomai with rice, na obviously eh luging lugi kami. Sa gitna ng aming pagkain eh may napansin akong kakaiba sa nabasa ko. Chicken mami, Beff mami. BEFF. Pinakita ko sa kanya yun at dali dali nyang pinicture-an. Hanggang sa naitanong nya kung anong gusto nyang tawagan namin. Ayun naisip ko na beff na lang. Pero pending pa yun nung araw na yun (ata) later that day na namin tuluyang ni-rank yung nasabing ‘tawagan’ namin :P
Ayun pagkatapos kumain ay bumalik kami sa snow world. This time, nagpapic naman kami, na nagkakahalaga ng tumataginting na 100pesos. (yata?) Ayun worth it naman yung pic eh:
At umupo na lang kami sa isang malapit na bench kasi nilalamig na naman nang sobra yung paa ko. Hanggang 8:30pm namin hinintay yung pic. Hanggang sa nakuha na namin at bago kami umalis eh nagpapic pa ulit kami ke snowman na ang kulit kulit. Ang gulo tuloy ng picture namin kasama siya. Hanggang sa nilakad ulit namin yung sobrang haba na distansya mula sa star city hanggang sa lrt station. Sa EDSA station na siya bumaba, ako naman sa dulong station pa.
———————————————————-
Personal Rating:
9/10
Masyadong mainit, at tsaka ang korni ng suot ko, pang EK. Nilamig tuloy ako nang sobra dun sa snow world :| Heh. Nonetheless, the day turned out so well :”)
The 22 Rules:
Ano etong 22 rules?
Eto ang patakaran na dapat sundin ng isang Beff:
Rule #1 - Si lalake ang dapat maunang mag pPM *always, remember that*
Rule #2 - Kapag hindi nagPM si lalake. Iintayin ni babae na iPM ni lalake
Rule #3 - Communication: As much as possible dapat / halos araw-araw nag-uusap si lalake at babae
Rule #4 - Transparency: Dapat maging open ang isa’t isa sa kahit anong problema o sa saloobin
Rule #5 - Kapag busy ang isa. Bawal idistract ng isa
Rule #6 - Dress Code: Kapag magkikita, dapat terno ang suot ni babae at lalake
Rule #7 - Beff: Ang official na tawagan; bawal “lab, hun, love, baby = baduy”
Rule #8 - Pics: Ang mahalagang dapat kunan tuwing nagkikita (para remembrance)
Rule #9 - Dapat may “I love you”
Rule #10 - Sumunod ang “I love you too”
Rule #11 - Sabayan ng “I love you more”
Rule #12 - Lalo na “I love you the most”; Protip: Walang mas hihigit pa sa “I love you most”
Rule #13 - Bawal maPRANING
Rule #14 - Kapag walang emoticon : Seryoso, may problema
Rule #15 - Bawal mag cocomment sa facebook kapag naka “via Mobile Web” si babae.
Rule #16 - Mag wall kapag may gustong sabihin, curious, kapag walang load, o gusto lang mag I love you
Rule #17 - Kanokliff / Chanokliff: ang official na combination name, no exceptions.
Rule #18 - >:D< :-* :”> - Official emoticons pag cheesy
Rule #19 - Dapat matagal at buong braso kapag maghuhug >:D<
Rule #20 - Dapat sa madilim o pribadong lugar kapag mag LOLOL’ing
Rule #21 - Kapag babatiin ng monthsary; 12:00 am Ang official time
AT HIGIT SA LAHAT:
Rule #22 - May 22, 2010 - Ang official day. Huwag kakalimutan
6/22: First Monthsary - Her Version
![]()
6/22. Our first ever monthsary. Haven’t been on here for a while but I felt like posting this today (though I really dunno why. Oh well. here goes)
The actual day didn’t turn out well, mostly because of misunderstandings. (for most of my part) Ughh going on, (for I don’t want to remember what exactly happened) I’m still happy we reached our first month together. Though miscommunications are common, we still managed to stay strong. I hope nothing would change :D The day could’ve been better if we’d been together. If it wasn’t a school day, that would’ve been possible. Uff. :/
Now I can really say that time is passing by so quickly. A month has already passed since we last (first) confessed to each other our feelings. Uhh yeah :> Good times. And without noticing it a year would pass already :D
I felt so happy that day, for my friends and classmates greeted me “happy 22”, “happy bday” and “happy monthsary for you guys :>”. I think they felt happy for me as well. Also, nothing beats that one person greeting you on your special day. :)
Again, I want to say sorry to Kliff for I acted immaturely that day. >:D< I love you. Please just stay with me. Okay? ♥
———————————————————-
Ooh next up is may 22 star city ‘gala’. :)
The North Tour (Him Version)
Eto ang first time na makakarating na si cha sa trinoma! :D
It all started nung nagyaya siya na magkita kami ulit, since pinuntahan ko naman siya dati sa south, time naman nyang pumunta dito sa north. :D
The dress code was grey since may dress pa siyang grey and me having to wear my white gray shirt na sinuot ko nung south mall. Ayun nagising ako nung 9am akala ko andun na siya pero nung tinext ko paalis na raw… sa subdivision nya xD. Nakarating ako sa trinoma mga bandang 10. Habang hinihintay ko siya, tumambay muna ako sa concierge dahil dun nagtatrabaho ung pinsan kong echoserang palaka. (yess echosera dahil lagi kami ineechos nung nag sskype kami ni cha XD) At ayun dumatin na rin si cha sa wakas.. Mga bandang 11 na rin un, nagabang siya dun sa may theeyesshoplus- bla shit at dun ko siya binulaga sa likod nya :)) *BWAHAHA ME ISH BACKSTABBA JOO :))* at ayun pinakilala ko siya sa pinsan kong echoserang palaka at kumain kami sa isang noodle house. (Nag noodles kami para maiba naman, kakaumay din ang puro fast food) ayun nabusog naman kami then after that dumalo muna kami sa power mac center at naglog-in sa facebook para pakacheesy sa news feed >:) then after that nagpahangin muna kami sa tuktok ng trinoma, inaasar nya ko sinasabi nya dun ako nakatira sa mga “informal settlers” kuno ayun umoo na lang ako para tumigil na siya :)) Tapos un onting pics pics din :)
Here sample:

Ayun naki-jejeje na rin kami =)) Since informal settler naman ako T_T. Ayun after that ee nag timezone na rin kami. Papasubok ko na rin sa kanya ang Djmax Technika :) Ayun nga lang medyo banoobs pa kami at tsaka mahal mahal naman kasiii.. After that lakad naman kami sa garden niyaya ko si cha mag isztarvbuxckz..s since tagal na nyang kinasusuklam yan at para maging cool naman kami B-). Inorder ko nun Java Chip at siya naman ay Choco Chip dahil bawal daw sa kanya ang kape. Despite na lasang choquik at bear brand gatas na choco na gatas. Natuwa kami dahil hindi typo ang pagsulat sa pangalan namin..

Ayun then after that dumaan na kaming Sm North (waw naman naka dalawang mall si cha sa isang lakad :D) At ayun dumaan kami sa Sky Garden, pinakita ko sa kanya ang artificial zoo filled with artificial animals hindi siya natuwa kaya pumasok na kami agad :)). Tapos un libot libot kami from Sm north main mall to the block hanggang sa may annex. Sa annex kami tumambay mostly, dun pa kami sa sahig nakaupo at ayun dun na rin namin nilubos ang pics pics. Then after that it’s time for her to go na kaya bumalik kami sa trinoma para makasakay na ng MRT. Eto ang part na nakakagulat *ayon sa kanya* akala niya na sasamahan ko lang siya hanggang sa sakayan ng mrt pero wala sinamahan ko siya *thanks to echosera’s idea ;)* hiniram ko rin ung mrt ticket nya at ayun sinamahan ko siya hanggang sa Taft Avenue station. Nung pagdating namin dun *ewan ko kung pano pumasok to isip ko na gawin to* ayun niyakap ko siya.. Pero saglit lang, *baket saglit?!* well because nahihiya pa talaga ako nung time na un baka kasi ayaw naman nya or something like that.. ughh napapraning naaa.. At ayun pabalik na rin ako ng trinoma nun at dun nagtatapos ang North Tour ni cha :)
—————————————————————
Personal Rating: 8/10
“Best mall tour ever pero ayun nga dahil sa hesitations ko.. Nabitin siya sa hug :/”
-Kliff
The North Tour (Her Version)
Color Coding of the Day: gray
Gray, kasi un yung kulay nung isa pang semi-formal na damit ko. Tinanong ko siya kung meron (pa) siyang gray shirt / any top. Ayun, susuotin na lang daw nya ung sinuot niya nung nag southmall kami. Di talaga white yun, but it’s a gray.
So ilang araw lang makalipas ng pagkikita namin sa MOA e nag aya na naman ako gumala. I usually do the ‘pag-aya’ since ako yung medyo hirap magpaalam pag lumalabas. So yun, anytime naman daw pwede siya so sabi ko May 13, thursday kami lalabas.
Why North Tour? North tour ko, since di pa ko nakakapunta dun. Tsaka turn ko naman para dumayo, since siya na yung nag Southmall tour nun. Laking advantage na alam ko na yung sa LRT, yun nga lang first time ko pa sa MRT so dami ko pa tinanong kung san dito san ganyan. Nakarating naman ako nang maayos sa trinoma, yun nga lang 1pm na halos ako nakarating dahil sobrang trapik at na late din naman talaga ako sa pag gising nun.
Ayun, nung nakarating na ‘ko tinanong nya kung san banda nako. Nandun na ko sa may tapat ng theeyeshopplus. Ginulat pa nga niya ‘ko sa likod eh. At ayun, habang naglalakad na kami e ipinagmamalaki nya ang Trinoma. Iisipin mong binayaran siya ng mga Ayala para mag endorse. Maganda nga yung lugar, parang onti na lang e kamukha na ng mall sa ibang bansa. Nice.
Pumunta kami dun sa pinag iistay-an nung pinsan nya at pinakilala nya ‘ko. Pinsan nya, AKA echoserang pinsan ni Kliff. Echosera ang tawag namin dun since laging nakiki echos tungkol samin (malamang, kaya nga echosera e?). Ayun, matapos nun eh kumain na kami dun sa sinuggest na kainan ng pinsan nya. Sulit yung 100 pesos namin. Busog kami parehas.
Pagkatapos nun ay napadaan kami sa Power Mac Center kung saan kami nag facebook at nag status update. Nagforums din saglit si Kliff nun eh, oha. Matapos nun e umikot ikot ulit muna kami at pumunta pa kami sa labas at nagpahangin muna. Dun ko rin nakita kung san nakatira si Kliff err I mean kung san nagsama sama ang mga informal settlers. Ang ganda ng view dun at ang hangin pa.
Pagkatapos nun ay naisipan na naming maglaro sa timezone. Siya naunang magtry, while ako e pipics pics sa kanya. Next round eh pinasubok nya sakin yung djmax technika, kaso mukhang wala yata talaga akong pag asa don. Nasayang lang ang 100 pesos niya. Nayamot na kami sa technika at kami’y nagtungo sa garden. Dun ulit nag pics pics at napadaan kami sa isztarbuckz. Dun kami nagpaka cool. Umorder siya ng java chip at ako naman eh choco chip na lasang choquick at whipped cream at bearbrand choco lang. Ayos na rin, since ang best part dun eh naispell ang pangalan namin parehas nang tama. Ohyeah. Yung nakita rin naming magazine dun, ung 1st page na 1st page eh bandmaster nakalagay. Wuha. Topic pa naman namin nun bandmaster.
Lumabas na ulit kami at napagpasyahang pumunta naman sa SM North. Nadaanan namin ung sky garden, parang jungle na puno ng mga artificial na hayop. Why did they bother place those animals e araw araw namang nakikita ng mga tao sa salamin yun? Going on, naglakad lakad lang kami sa loob ng SM North. Sobrang lamig dun, kaya pinasuot nya sakin yung jacket nya. Di ko kasi nadala jacket ko that time eh. So yun, tapos napadaan ulit kami sa isa na namang Power Mac Center at dun sana kami ulit mag iistatus update. Kaso epal yung manong guard dun. Siya rin ata gusto makifacebook.
Lumabas kami sa nasabing establisyimento na nayayamot dahil di kami nakapag status update. Whew. at ayun, inaya ko na lang siya umupo sa isang sahig habang pinapalipas ang oras. Dun kami nag pics pics ulit hanggang inabot na ng gabi. Pagkatapos nun ay pumunta na ulit kami sa Trinoma at dumaan ulit sa pinsan ni Kliff. Dun siya pinahiram ng magnetic card para sa MRT para daw maihatid ako ni Kliff. Yay.
Favorite part:Di ako makapaniwalaang ihahatid ako ni Kliff hanggang dun. Akala ko hanggang sa may gate lang ng trinoma. Buti wala masyadong mga tao that time at nadalian naman kami sa biyahe. Habang sa biyahe e magkatabi kami sa tren at nararamdaman kong parang nakalapit ung ulo nya sa may balikat ko. Ganun lang kami halos sa buong paglalakbay namin, di kami halos nag uusap.
Nang makarating na sa may EDSA station eh kumain pa kami ng siomai. Ako pa nagsubo sa kanya nung isa eh. :D Ayun, tapos nun naghanap pa kami kung san ung bridge / hagdan papuntang kabilang side ng station (ung papunta ng Baclaran Station) Ayun matapos ang saglit lang na hanapan eh nakita rin namin. Nakabili nako ng ticket at ng anu ano pa. Ayun, nag paalam na kami sa isa’t isa. Dumating na yung tren, time to go na. Pero nagpahabol pa si Kliff ng hug na nagtagal lang ng ilang segundo :/. BITIN.
At dun nagtatapos ang aking bonggang bonggang North Tour.
Unrelated: Wow Di pa rin ako natutulog! After ko ipublish to eh pupunta pa ‘ko sa school >:)
————————————————————-
Personal Rating: 8/10
Bitin yung hug. :/
-Cha
Sm MOA - “Meet The EBA Members” (Him Version)
Eto ung 2nd time around na magkikita kami ulit, but this time kasama na namin ang mga EBA Members (will explain later)
Nagsimula eto nung nagyaya ang mga members for our 2nd grand eb
Linkie Here
http://www.facebook.com/event.php?eid=116401991713149&index=1
Since member naman si cha nun at ako naman kanilang guild master; niyaya ko siya na sumama at ipakilala ko na siya sa mga EBA members. Ayun dumating na ang araw it was May 8 at that time (wow one month na pala o_O) sa KFC kami magkikita nun (the same KFC na kung saan ko siya nilibre nung domi 4) at dun nagkita kami :)) Suot suot nya ung black na blouse nung nakita namin sa southmall at suot ko rin ung polo na binili ko :)) dala ko nun ung “2dx keyboard” pati ung Toradora na DVD, dala din niya ung Kanoko na drawing. We were semi-formal at that time at papunta na kami sa timezone nun (andun kasi ung mga members) matagal din namin nahanap ung timezone pero ayun pasyal pasyal muna kami saglit alone times :) and there we arrived, first time makita ni cha ang kadami daming members na nagdalo at ako as a guild leader kelangan ko silang asikasuhin dun na OP si cha. I felt bad at that time pero buti naman nakakausap siya ng mga ibang members at di nagtagal hinatak ko siya at umupo muna dun sa bench. Nag papics pics muna kami dun but it was lunch time kaya umalis muna kaming lahat para kumain sa foodcourt. Nung nakaupo na kami bumili muna ako ng pagkain kasama si raph (ayaw pa kumain ni cha nun) so habang naghihintay siya, pinahiram ko muna siya ng psp ko :) While me and raph ay bibili ng pagkain, pinagusapan namin si cha.. na naaawa ako sa kanya dahil OP siya nun at that time at di ko alam gagawin + pano ko aaminin sa kanya ang nararamdaman ko. Well with that bumalik na kami sa table at kumain. Ayaw talaga ni cha kumain kahit subuan ko ng pagkain ayaw talaga kaya ayun medyo =/ ako nun. After namin kumain pabalik kami ulit sa timezone para maglaro ng technika, nagpahiwalay muna kami ni cha nun para mag dairy queen.
Nung pagbalik namin it was a good timing na uumpisahan na namin ang paglalaro ng technika. (Actually I was the tally at that time.. Pero di ko na ieemphasize to) After the game umupo muna kami ni cha at ayun papalamig lang muna saglit. People were really curious about us, Many asked kung kami na pero wala pa naman talaga e, di ko tlga alam at that time kung gusto na nya ako kasi gusto ko na talaga siya nun. Then after we decided na tumambay dun sa may Skating Rink sa may bandang Blue Magic (malamig dun e XD) at ayun kwentuhan bla bla at sinamahan ko na lang si cha at nakikwento sa mga ibang members kung pano kami nagkakilala. Hindi nagtagal e pumunta na kami sa sea side (suicide) para panoorin ang sunset at ung fireworks. Nung nakaupo na kami nag pics pics kami ni cha nun gamit ung cellphone nya at pinanood na namin ang fireworks nun :D Sarap panoorin pero nakakangalay sa leeg :)) After namin tumambay sa suicide, kumain naman kami sa Mcdo :)) Inorder pa namin ung favorite nyang “flour fillet” at ayun kumain na din siya sa wakaaasss!! After namin kumain, it’s time na para umuwi pero papicture muna kami while having fun at the globe. Gusto ko ung part na nung paalis na kami again with the “geh geh geh” :)) while holding our hands.. :”> lalo na ung niyakap ko siya ng mahigpit wala siyang kaalam alam na ginawa ko un.. I was like this “>:D<” habang “,>:”><,” naman siya :))
—————————————————————-
Personal Rating: 7/10
“Kahit na OP siya sa 1st eb nya we still had a good time :”>”
Sm MOA - “Meet the EBA Members” (Her Version)
Color Coding of the Day: black
Suot namin nung araw na yun yung mga binili naming semi-formal na damit. Naka polo siya, at ako naman ay naka dress.
2nd GEB ng EBA nun, since un nga member ako eh invited ako. Tsaka dahil gusto ko nga rin makasalamuha ang mga friends niya. Maaga kami nakarating sa MOA, halos sabay kami pero as usual nauna pa rin siya. Napagusapan naming magkita sa KFC. Nakita ko siyang nandun na, naisip ko pa ngang gulatin siya mula sa likod. Kaso fail eh, nakita na pala nya ko, tapos kunwaring di pa nya ko napansin. Mukha tuloy akong ewan don.
Going on, pumunta na kami sa time zone na di pa namin mahanap nung una. Nandun kasi ung ibang mga members. Dun nagtipun tipon ang mga parating pang members at dun din sila nag event. After nun e dumeretso na sa foodcourt at kumain yung mga members. Not me, since I didn’t feel like eating that day. Habang kumakain sila, tinanong ako ni ate euna.
E: Kayo ba?
C: ndi po eh.
E: close lang talaga?
C: aah eh, opo.
Ano nga ba naman kasi sasabihin ko e ala pa naman talaga :/ OP talaga ako that time, at di ko mapigilang di mag :|. Nasa isip ko: wow ang saya naman nila. ang saya naman NIYA. Ayun, after nun napag pasyahan nilang tumambay na sa may blue magic near the skating rink. That time kasama ko sila ate euna at kerry, iniinterview ako. Ayun masaya ako kasi may nakakausap nako at di na ko ganun ka OP. Pumunta din kami sa loob ng blue magic, sinamahan ko si ate euna na bumili ng mother’s day gift. Ayun bumalik na kami sa labas, nakita ko siya nakikipagkwentuhan lang. So syempre ayoko namang maki singit dun sa kanila. So umupo na lang ako dun sa may likod nila. Ilang sandali lang napansin nya sigurong :( ako. Ayun sinamahan nya ko at nag usap ulit kami.
Pagkatapos nun, nag aya na sila sa seaside. Habang naglalakad kami, parang naramdaman kong umakbay siya sakin, kaso inalis nya din. Sabi nya, “ay baka echosin pa tayo”. Naisip ko tuloy ” ayy wala ayaw talaga sakin nito :/”. Going back sa seaside, ang hangin dun, at ang ganda ng pwesto namin dun. Nung fireworks display na, ang ganda ganda. Sakit nga lang sa balikat at leeg. Pagkatapos nun ay nag pi pics pics na kami (pambawi) since nwala nga yung pics namin nung nasa southmall kami. Pagkatapos nun ay kumain kami sa mcdo ng flour fillet!! at wow may sarili pa kaming table that time.
After kumain sa mcdo, nagpics pics pa sa may labas. Hanggang 9pm ata yun. Tapos uwian na. Gusto ko rin ung part na nag “geh geh geh” kami while holding each other’s hands. nakatitig siya sakin that time. Kilig ako nun so di ako makatingin sa kanya ng deretso. tapos un nga, may bus na dun at time to go na sila, while ako kasabay ko si kuya raph since taga paranaque din siya. Di ko inaasahang aakapin nya ko nun. Syempre, another kilig moment for us. Un nga lang, ,:”>, lang ako nun while siya eh »>:D«< talaga sakin nun.
———————————————————-
Personal rating: 6/10
Na op ako.
Lumagpas ako ng bababaan, wala kasi ako sa sarili that time.
Pero kahit na op much ako, he still made my day.
-Cha
